6 Nobyembre 2011
Laro tayo, ngayon na...gusto mo?
Isang Laro sa mga Salita
ni Grace Gonzales
Bago pa umalma ang kinauukulan, aaminin ko nang ang gagawin kong ito ay mula sa isang nabasa ko sa Reader's Digest. Maikling bahagi lang ito sa nasabing magasin, kaya hindi ko masabi kung isa itong artikulo o kontribusyon. Ipinakita dito ang ilang mga pangungusap sa Ingles na mas maikli pa kaysa sa mga tweet at naglalaman ng mga bagay na tungkol sa friendship. Binubuo lamang ang lahat ng pangungusap ng anim na mga salita.
Naisip kong kaya rin itong gawin ng mga Pilipino, gamit siyempre ang Wikang Filipino. Tingnan natin kung alin ang mas maganda, ang mga nailathalang Ingles sa magasing nabanggit, o ang mga nasulat sa Filipino? Ang titingnan natin bilang batayan kung maganda ba ang mga ito ay ang paraan ng pagkakagawa, kahulugan, at ang lakas ng dating.
Katuwaan lang naman ito. Walang intensyong magkumpara. Lahat ng wika ay maganda, depende sa paggamit.
Naisip kong maglista ng mga pangungusap na tungkol sa pagmamahal at pagkakaibigan na may anim na salita lamang. Naglista ako ng ilang mga pangungusap na karamihan ay orihinal kong gawa, habang ang ilan ay hango sa kung saan-saan. At inaanyayahan ko ang lahat na magbahagi rin ng mga pangungusap na mabubuo nila. Maglaro tayo...ng mga salita. Ngayon na. Simple lang ang mekaniks nito. Una, dapat ay hindi lalabis sa anim na salita ang gagamitin at puwedeng parirala o sugnay lamang ang mabuo. Ikalawa, kasama ang mga kataga, ekspresyon, panghalip at iba pang maliliiit na yunit ng salita sa bilang. Ikatlo, hindi kasali sa bilang ang mga simbolo at mga bantas. Ika-apat, dapat wikang Filipino ang gagamitin, limitahan ang pagpapalit-koda. At huli, dapat, tungkol lamang ang mga pangungusap sa love (pagmamahal), friendship (pagkakaibigan) and something in between ('yung magulo) haha, pero bawal ang bastos, bawal ang green. Inuulit ko ha, salita ang binibilang, hindi pantig.
Handa, banat:
1. Kaibigan noon, kaibigan ngayon, kaibigan habambuhay.
2. Kaibigan lang pala. Kaibigan lang pala.
3. Peksman. Mamatay man. Basta't iyong magustuhan.
4. Mahal mo siya o ako? Sagot!
5. Ako na lang kasi. Tanga ka!
6. Alam naman nila kahit hindi mag-aminan.
7. Bakit hindi na lang totohanin lahat.
8. Gago. Hindi ka na babalikan nun.
9. Hindi puwedeng turuan ang puso. Wehh!
10.Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin-tingin sa akin.
11. Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo.
12. Iwan mo na kasi siya! Dali!
13. Magkaibigan lang ba talaga tayo? Tangna.
14. Oo na. Mahal na kung mahal.
15. Kung ako na lang sana siya.
16. Oo nga pala, hindi pala tayo.
17. Wag kang feeling, hindi kita type.
18. Tatanggi ka pa. Kunwari ka pa.
19. Kahit konting pagtingin, kung manggagaling sa'yo!
20. Akala mo ikaw ano? Hindi kaya!
Dadagdagan ko pa ito. Mag-isip din kayo. Paramihan at pagandahan tayo ng mabubuo. Hihintayin ko ang inyong tugon.
Ang site na ito ay para sa mga blog ng mga mag-aaral ng Master of Arts Major in Filipino ng Pamantasang De La Salle Dasmarinas. Mababasa mula rito ang mga blog hinggil sa iba't ibang isyu sa larangan ng Wika, Panitikan, Linggwistiks, at iba pang kaugnay sa pag-aaral ng Filipino. Maaari ring magsulat dito ng personal na pananaw ang mga miyembro, ngunit hindi nito nirerepresenta ang pananaw ng buong grupong MA Filipino.
Isang Maalab na Pagbati!
"Ang hindi magmahal sa kanyang SALITA
mahigit sa hayop at malansang isda."
-Jose Rizal
mahigit sa hayop at malansang isda."
-Jose Rizal
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Mula kay Sheila Sanchez,ang ampon ng MA-Fil
TumugonBurahin-Tulak ng bibig, kabig ng dibdib